Home » Post Item » career at lovelife
career at lovelife
November 13, 2007Halos lahat ng mga tao sa henerasyon ko etong dalawang to ang problema. Kelan darating ang breakthrough career ko? Kelan darating ang aking 'love of my life'? Parang pinag-meetingan ng mga diyos at diyosa na nagpapadala ng problema. Conspiracy daw ba?
Goddess 1: Ay 25 years old ito, mini-mini-my-nee-mooh. Career! Career ang ipadalang problema!
Goddess 2: Check na check. Eto naman, 26 years old. Hmm.. Lovelife naman para alternate.
Goddess 1: Korak!
Ganon kaya yon?! Pero habang lalo kong pinag-kukumpara ang dalawa, parang lalo silang nagiging pareho sa aking paningin.
Lagi kong sinasabi sa aking mga friendly friends na 'dizizit' na trabaho ang hinahanap ko. Masyado na ko matanda para mag-settle sa kung ano na lang unang dumating at masabi lamang na meron akong trabaho. Feeling ko ganon din ako sa love life e.
Dati, ang standards ko negotiable. Para masaya lahat! Pero ngayon parang hindi na. O baka naman nag-iinarte na lang ako kung kelan ako tumanda.
Sa lovelife, ilang text, call, labas pa lang, feeling mo promising na. Nailatag mo na kagad ang future nyong dalawa. Sa career, initial interview mo pa lang feeling mo ayan na! Kala mo Job Offer na kinabukasan.
Meron tayong mga dream jobs/ dream guys na feeling natin 'eto na talaga'. Andyan ang binuhos mo na ang 101% mong lakas mapasayo lang yon pero sa huli kulang pa rin. Sablay! Di daw kasi meant.
Masarap isipin na sa mga the-one-that-got-away na jobs/guys ay may cosmic effort lang ang nature na sabihin sayo na 'You deserve something better now get up and stop whining!' kaso minsan you simply can't help but exhaust all your energy and feel the pain til you get numb.
Minsan, we can't help but wonder, pag may nakikita tayo na mga taong maganda and career or lablayp kung ano kaya sikreto ng mga to. San ba nakakahanap ng ganon? Sobrang swerte ba talaga nila o sobrang malas ko lang talaga? Trade-off kaya talaga yon? Ano kayang trade-off nung saken?
Pero ito ang pinakamalupit: Ang career life, minamahal. Ang love life, kina-career.
Haaay! Sa mga diyosa dyan, kung naririnig nyo ang hinaing ng isang paslit tulad ko, please naman o. Pa-birthday naman jan. nyahaha…
Previous Comments
“Ang career life, minamahal. Ang love life, kina-career.”
malupit!
basta, emcee, take chances! take risks!
alam mo ba, i left my job sa corporate planning ng isang fastfood dahil i want to work in davao. napaka risky, pero sa totoo lang, mas maganda ang career at studies ngayon.
sa love life, pak syet, im falling in love sa isang military. pero he’s nice, i think, i’ll take this chance and risks!
grabeh! hehehehe!
Posted by karina at November 13, 2007, 8:34 amrelate ako dito as in! parehong elusive ang “dizizit” na career at lovelife.
Posted by grace at November 13, 2007, 4:08 pmkarina, nakakatuwa naman ung comment mo. can’t control my smiles here. haha… esp nung nagsabi ka ng pak syet. vulgar na un for u, i know. haha
grace, see, may conspiracy siguro sa taas sa mga probs ng tweeners. haha
Posted by emceerious at November 13, 2007, 10:44 pmAng career life, minamahal. Ang love life, kina-career. –> hahaha. natawa ako dito.
pero bakit nga ganun noh?
Posted by tin-tin at November 14, 2007, 12:45 pm


natuwa naman ako sa post na ‘to.. it is so true!!! akala ko lang ako lang ang may problemang ganun.. heheheh.. welcome to the club mare!
Posted by frances at November 13, 2007, 6:03 am