Home » Post Item » katuwaan lang
katuwaan lang
June 23, 2007Kung friend ka ni Emcee, vocal, observant at honest ka. Kung hindi, isa kang laiterang nilalang.
Kay Emcee, "Quarter-Life Crisis", "episodes", "whatever-syndrome". Sa iba, OA lang mamroblema sa buhay.
Kapag si Emcee ang naghihiganti, "She's just getting even." Pag sa iba, mga mapagtanim ng sama ng loob at di marunong magpatawad.
Pag si Emcee at at kanyang friendly friends ay nalasing sa gimik, 'We're just living life to the fullest. Life is short! Make it shorter!' and drama nila. Kung sa iba yon, mga pakawalang lasinggerang di magtira ng pang-uwi after inuman.
Kung si Emcee at ang mga kaibigan nya ay petiks sa opisina o natutulog, magagaling sila kasi mabilis nilang natapos ang trabaho nila kaya nakukuha nilang gawin yon. Kung sa iba, tamad sila at dapat silang padalhan ng Finding Memo!
Nung maisip ni Emcee na mag-aral magpainting, magdrawing, magtarot cards, magphotography, mag-spontaneity month, ang tawag sa kanya explorative. Kung sa iba yon, weirdo lang na walang magawa sa oras nya.
Kapag late sila Emcee and friends sa meeting at may decision na ang body, magrereklamo sila at magpapaulit ng botohan kasi hindi quorum. Kapag sa konting panahon na sila ang maaga at nagawa nilang magdesisyon na, kahit nagrereklamo ang buong body, wala silang pake kasi pa-late-late ang mga members eh and the decision is already final!
Kapag late sa meeting time ang friends ni Emcee, natraffic lang sila. Masyado lang advance ang relo ng iba kaya napaaga sila. Kapag iba ang na-late, wala silang sense of time!
Kapag may forward ng foward ng quotes kay Emcee at kaibigan nya sila, thoughtful ang tawag sa kanila. Kapag hindi, mga walang magawa sa oras at inaabuso ang unlimitext!
Kung malakas kayo magkwentuhan at magpatugtog ng sounds nina Emcee, nagkataon lang yon. Meron lang talaga kayong appreciation for art of music and intellectual discussions. Kung di kayo friends ni Emcee, isang pulutong lang kayo ng pakirawraw na nilalang. Korak!
Kung friend a ni Emcee at may dimples ka, ang cute mo! Kung hindi ka nya friend, abnormal ang tawag sa iyo! Tama pekner? hehe
Sarap maging friend ni Emcee di ba??? Friend ka ba nya?



hahahaha! i totally believe this. ikaw pa! at mga friends mo! hahha. promise! hindi ito katuwaan lang. this is reality. hahahaha ;p
Posted by tin-tin at June 27, 2007, 5:42 pm