Home » Post Item » i love graveyard shift
i love graveyard shift
June 20, 2007For almost two years now, I've been on night shift. I never saw any problem with it though almost everyone around me is skeptic if it is really a feasible schedule. In total fairness, mas mahaba pa ang tulog ko kesa sa mga kilala kong day shift. They are practically the same except ang umaga mo ay gabi namin, at ang gabi mo ay umaga namin. Oo, sira ang weekends namin at mas mabigat ang hila ng gravity ng kama sa gabi. Namimiss din namin ang mga weeknight gimiks pero well, ganon talaga ang buhay. You can't have everything!
Lately, I've been praying na sana makakita ako ng day job kasi feeling ko mahihirapan ako sa class. Kasi naman after ng class e may mga echos pang meeting o dinner effect. Lagi naman akong nagmamadali! Kasi sa trabaho namin bilang call girl, pwede kang pumasok ng lasing pero bawal ma-late. Seriously! Hehe…
So ayun, time and again, may lesson na naman ako: Be careful for what you wish for! They might just come true. Buti na lang mabait talaga si Lord! Pina-experience Niya saken ang day shift for one day.
Maygolay! Di ko kinaya! Nakakapagod sobra ang byahe sa umaga. Define traffic to the ultimate level. Ang hirap pa magyosi kasi ang init sa mga smoking area. (Kelangan kasali talaga tong reason na to.) Tapos feeling ko pag uminom ako after morning shift may energy pa ko sa gabi (dulot ito ng solar energy) pero pag sa weeknight ako gumimik, bagsak talaga ako the following day. Pagdating ko pa sa class e sobrang basag na ko. Para akong hipong natutulog na dinadala ng agos. Ganong talaga ang analogy. haha… Na-exhaust na ang more energy mas happy ko ng araw!
Suma-tutal, thankful na ko sa shift ko! Masarap ang night shift! Full batt pako pag papasok ako. Fresh pa ang feeling ko habang ang mga kasabay kong bumabyahe e haggardo versoza na! May energy naman ako sa work.
Lesson: Count your blessing. Don't complain for what you don't have. Be thankful for what you have.
Disclaimer: Ang mga nasabing opinion ay maaaring magbago sa paglipas ng panahon. Ang mga sinulat ng naaakda ay kanyang kasalukuyang saloobin at maaaring magbago depende sa pagkakataon. Choz!
Previous Comments
Isa kong callboy nuon…Ngayon drag queen na…love the traffic plus hipon factor. nawindang ako sa analogy…AT take note isa ka palang halaman…remember solar energy!
Linked you up dahleen!
Posted by kamlon at July 9, 2007, 10:44 amhaha! nawindang din ako sa analogy! baklush ka talaga!



be careful what you wish for talaga.
Posted by tin-tin at June 20, 2007, 4:42 pmat talagang pwede magbago ha. pag magkaboypren ka siguro na hindi pang-night shift. hahaha