Home » Post Item » Ako ang kapitbahay, kapitbahay mo
Ako ang kapitbahay, kapitbahay mo
January 12, 2007Ako ang kapitbahay, kapitbahay mo
Laging handang tumulong sa inyo
Kilala nyo ako
Kilala nyo ako
Ako’y isa sa kapitbahay
Kapitbahay ninyo
Repeat 10 times until fade
Ang security guard sa opisina:
Ako ang power-trip na nagbabantay sa opisina nyo. OA ako maghalungkat ng gamit kaya kahit make-up kit e pinabubuksan ko pa. Lagi rin ako naghahabol ng mga tao na papasok at lalabas para patunugin ang hi-tech baston ko. Alam ko naman na wala kang maipupuslit in between your breaks. Wala lang. Gusto ko lang mafeel na kakaiba ang paraphernalia ko kasi yung ibang mga sikyu, kahoy lang ang pototoy nila. Minsan, trip ko rin gumawa ng incident report. Minsan lang yon. Hayaan nyo na ko, mahirap naman kasi ang trabaho ko. Ang magpalipas ng oras sa kawalan. Wala kasing internet ang PC sa lobby. Minesweeper lang ang laro e di ko naman alam ang relevance ng mga bomba na yan.
Ang security guard sa mall/MRT station/etc:
Ako ang infamous guard na dinadaan-daanan nyo araw-araw. Actually, di ko naman talaga alam ang hahanapin ko sa tuwing kinakalkal ko ang mga bags nyo dahil kung gusto nyong magdala ng bomba, siguro naman ay hindi nyo yon ilalagay sa isang box na may pangalang BOMBA INSIDE-HANDLE WITH CARE. Pero, masisisi nyo ba ako? Ha? Ha? Ha? Katulad ng mga kumpare kong sikyu sa OSMA, nag-iintay lang kami ng oras sa kawalan. Buti pa nga sila may Minesweeper.
Ang taxi driver:
Ako ang laging nakatutok sa love radio Balahura at Balasubas tuwing umaga. Sila lang kasi ang bumabati sa aming mga taxi driver. Yang kasing si DJ Mo, panay si Cristry Fermin ang bukambibig e mas may social relevance naman kaming mga drivers. Minsan, kapag kailangang-kailangan nyo kami, wala kami at pag di nyo kami kailangan e nagkalit kami. Wala lang, nangpipikon lang.
Ang tindera sa mini-stop/7-eleven/Jewel24 (naks kasali talaga ang Jewel24):
Syempre kilala nyo kami dahil sa sandamakmak na convenient things na mabibili niyo samen. Convenient store nga. Actually, di ko alam kung bakit kami napasali dito. Pero isha-share ko na rin na libre talaga ang extra gravy, spoon and fork, styro samen pero dun na lang kami makakabawi e kasi wala kaming night differential at wala kaming holiday. Nakakaawa naman kami. Yung fried wanton, lima dapat yon, binabawasan talaga namin ang serving ng isang piraso lagi para sa sariling pagnanasa.
Ang yosi vendor:
Ako ang minsan inuutangan nyo ng pa-piso-piso tapos sasabihin nyo na mamaya nyo na lang idadaan ang bayad kasi kulang ang barya nyo pero siyempre makakalimutan nyo. Marami na rin ang nasira ang buhay dahil sa akin. Yung iba nasa lung center na. Yung iba naman wala nang trabaho kasi lagi na lang na-overbreak.
Repeat 10 times til 2865489 decibels
Ako ang kapitbahay, kapitbahay mo
Laging handang tumulong sa inyo
Kilala nyo ako
Kilala nyo ako
Ako’y isa sa kapitbahay
Kapitbahay ninyo
Alamin ang numerology ng name mo at bilangin paulit-ulit ang mga nasabing kapitbahay. Kung san tumigil ang numero mo ay ganon ka sa next life mo. Be good! Matakot ka sa karma!


