Home » Post Item » karma ko: sleeping disorder
karma ko: sleeping disorder
January 11, 2007Before, when people complain about insomnia or getting a hard time to sleep, I had nothing to contribute except that I didn’t have it. My problem would have to be oversleeping. I could sleep in my workstation. I could sleep in the tricycle (Imagine Calamba crossing to Turbina kung saan kasalubong ko ang naglalakihang mga truck at bus. Wala akong pakelam!). I could sleep in the bus going to Batangas (Nakakarating pa ako ng Pier dahil sa sobrang tulog!). I could sleep the whole weekend at meals lang ang pahinga! Before, di ko maintindihan bakit nahihirapan matulog sa umaga ang graveyard shift peeps. Well.. define oversleeping! May eyebags ako dahil sa pamamaga ng mata ko sa sobrang borlog.
Ngunit, subalit, datapwat ngayon ay napakalaki na ng problema ko! Di na ko makatulog. OK lang naman sana ang 4-6 hours of sleep a day KUNG marami ka talagang gagawin at wala ka talagang time matulog ngunit mga shofatid, imajinin nyo naman na magigising ako sa gitna ng napakababaw kong tulog at nakamulaga lang ako sa kawalan. Walang ginagawa kundi intaying dalawin ng antok. Na-isip ko na lahat ng pwedeng isipin para makatulog. Nagbilang nako ng sheep. hehe… Naimajin ko na lahat ng posibleng scenario na pwedeng ma-assassinate si GMA. Naiisip ko na lahat ng pwedeng summer escapades ngunit wala. WALA. WALA pa rin!
Di ko alam kung kulang lang ako sa alcohol o kung anuman! At eto, ngayon ay sleeping pill dependent na ako. As in 2 sleeping pills a day! At masaklap neto e nagigising pa rin ang lola mo! I tried using an eyepad (lemme call it Ipad..hehe) with matching drawing ng mata pa. Nagfresh milk na rin ako. Nagbabawas na ko ng yosi. Di na ko nagsosoftdrinks at kape. Ang saklap na di ba?
Anong meron ang taong happy?! More energy mas happy! E wala na ko energy lage. Di na happy!
Sa mga makakabasa nito, pakiforward sa mga nagagalit saken. Eto na! DUMATING NA ANG KARMA ko… ZZZZZZZZZzzzzzzzzz


