Home » Post Item » TSUBA 2006 … magaling, magaling, magaling!
TSUBA 2006 … magaling, magaling, magaling!
November 30, 2006Eto na ang pinakahihintay nating highlights at dimmed lights ng nakaraang “TSUBA 2006 … magaling, magaling, magaling!” (with the spirit fingers in motion)…
Apat na kabataan ang nagplanong magkita-kita sa Cubao MRT station in their backpack mode with the anything-goes-spirit. Ang target: magpakaspontaneous at i-scrap kung anuman ang unang napagplanuhan.
Ang mga pangunahing tauhan:
Rey - ang newly-promoted TL ng TC (TrueCredit) na may malaking problema sa PC na dapat maconfigure; adik sa pagcha-charge nga battery ng celfone nya dahil a)marami syang kelngan contact-in para sa malumanay na First Day Funk nya b)makikinig kami sa mp3 nya.
Cesar - ang Senior TL ng eTel na ayaw paniwalaang may matinding spontaneous blood sa katawan na ayaw paniwalaan ng kanyang mga kasamahan; nakulangan ng 1800 sa next na payday dahil sa ISANG araw nyang namiss na pumasok; anak ng pasaway na Tita Puti.
Beng - bagong kulay ang buhok na Panky na nagdala ng wala-sa-lugar na Mernel’s cake; ang babaeng lageng may stain sa shorts pero wala syang pakelam; ang unang target ni Lola Greenhouse na gapangin
Emcee - ang tagapagsalaysay kaya wala akong masamang sasabihin maliban sa may sakit sya sa kasalukuyan dahil sa pagod at kakulangan ng tulog. (BirdFlu kaya ito?) Bakit kaya siya kulang sa tulog? Hindi kaya dahil hindi siya makatulog sa naglalakasang hilik ng kanyang kasamahan? Verum est? Totoo ba to?
Not-so-pangunahing tauhan
Manang Violet - ang pasaway na pasahero na muntik nang maiwanan ng bus patungong Bontoc
Cyril - ang tour-guide na batas militar
Martha - ang lolang nagluto ng Pinikpikan na salarin kaya naiwan kami ng last trip
Viajero X - ang paasang driver na crush ni Beng
mga manok - delivered in Sagada na dahilan ng Birdflu ko ngayon!
Lola Greenhouse - ang English-speaking at nakakatakot na landlady ng very posh Greenhouse
Mag alas nueve y medya na nang magkita-kita ang mga pangunahing tauhan dahil sa magkaibang exit points (entry points na rin) kami naghihintayan. Nang makita namin ang newly-dyed hair ni Beng, alam na namin na riot na ang trip na to! So san na nga ba kami patutungo?! Maraming pwede! Sagada na na ang napili! Ang ruta: Manila-Banaue-Sagada-Baguio-Manila! Todo na!
So pumara kami ng taxi upang dalhin kami sa pinaka malapit na terminal ng bus patungong Banaue. Subalit dahil nakikisama ang kalikasan sa spontaneity of the moment ay nasiraan pa ng taxing sinasakyan namin. Nagtulak pa tuloy ang mga boys namin! Suma-tutal, iniwanan namin si manong. Habang-suot suot ko ang very colorful maskara ko ay hinanap namin ang Terminal Q (di ko maalala ang Bus Liner na ito) subalit nang makarating kami ay napagtanto namin na once a day lang pala ang byahe nito! Maygolay naman. 8:30 lang ang byahe! Talagang spontaneous kasi sa totoo lang e nawawalan na ako ng pag-asa. So Baguio na lang daw kami dadaan patungong Sagada. Ngunit nang mapadaan kami sa ibang mga terminal e pinilit ko na baka pwedeng mag-Bicol na lang kami for a change kasi gusto ko makita ang Mayon! Eventualy, nahalina kami sa mga bus na byaheng Abra. Bumaba kami. Nagtanong kung ano ang mapupuntahan sa Abra? Bundok lang daw. Nampucha! Eto ang napapala ng walang plano. Waaaala kameeeng pakeeelam!
So nagtaxi kami muli kasi meron pa raw masasakyang Autobus na maghahatid samen sa Banaue! Panalo… nagpaikot-ikot nanaman kami at hindi makita ang lecheng autobus na yan! Amazing race talaga ng dating. Kulang na lang ay host! Punyemas! Nawawala ang Autobus! Sabi na nga ba, dapat nag-Bicol na lang kami. Pero kinalaunan ay nakita na rin si Terminal X (Autobus na ito). Walang bus sa Terminal X! Tumatakbong tumungo sa Beng sa ticket booth. May byahe pa! Hooray! Di pa umaalis ang last trip patungong Tuguegarao… at di pa rin dumarating! (Di ko naimaging sa tanang-buhay ko na makakapunta ako dito at babalik pa ko ng Sagada pero no choice! Dito kami dinala ng aming moment of spontaneity)We are NOT the last team to arrive. We aren’t eliminated! Amazing Race mode talaga!
Yosi.. harutan.. tawanan.. Fast Forward! Dumating na ang bus after N years. Yunlemeng, wala kaming ticket so no choice, nasa gitnang seat ang mga makikisig naming kasama! Sila na ang nominees sa pinakamasakit na leeg sa moment na yon!
Fast forward ulit sa napakaaaatagaaaal na byahe! Bumaba kami sa infamous Nueva Vizcaya (Enough of the famous Nueva Ecija)! Yosi break, CR break, smell the flowers, et cetera, que cera cera, sumakay na kami dalawang very posh jeepneys (dala pa rin ang Mernel’s cake) patungong Banaue. At dahil sa makating utak namin e nagtop-load kami! Panalo sa Japan ang experience na to!
Sa Banaue ay nagpunta kami sa Viewpoint para makita namin ang isa sa mga WOW as in wonders of the world. Lufeeet! Then after shopping for few pasalubong e go na kami sa bus patungong Bontoc. Ngunit for the nth spontaneous momEnt e kasalubong na namin ang bus patungong Bontoc at ginawan na lang paraan ang kaliwaan ng pasahero!
Sandaang piso ang pamasahe para DAW sa isang oras na byahe na turned out to be 3hours ata! Ohhhh-Ayyyyy! OA sa mura ng pamasahe kung matatanto mo, kasi kakaiba ng pinagdaanan ng driver sa totoo lang. Nasiraan pa kami at muntik nang maiwanan si Manang Violet for the reason na tinago nya sa fellow passengers nya! Ang bus na ito na ang next na gagamiting props at pasasabugin sa teleserye ng Carlo J. Caparas. Isang maling hangin at pupulutin talaga kami sa pechayan.
Sa pakikisama ng panahon ay wala namang masamang hangin na nagtulak samen sa pechayan. Di rin napagtripan ni Princess Punzalan na paglaruan ang isa sa kanyang toy remote controls para pasabugin ang bus namin. Eventually ay nakarating kami sa Bontoc. Lafang galore! Then museum trip naman! Picturan moment ito kung saan namin nasaksihan ang pinaka-baaaaboooy as baboy at balahurang fewt fewt Bontoc Scandal fewt fewt (with Spirit fingers again). Pag-iisipan pa namin kung dapat i-upload ang video na ito bilang respeto sa mga tauhan at saksing buhay ng eskandalong ito!
Go na sa Sagada ang next drama! May kabilisan na ang part na ito. Pagdating sa St. Jo e go na sana kami sa caving ngunit dahil mejo time at control freak ang mga tour guide (also known as SEGA.. yeahhh!) ay 5:15 impunto nila gusto makipagmeet at di pa talaga kami hinintay kahit 5 minutes lang kami late. Batas militar! Magaling, magaling, magaling!!!
Nagroam around na lang kami at nakipagchikahan with the rural folks (na tanungin mo in Tagalog e in English ang sagot sayo). Dinner time after then burlog na nag mga beauties after a very busssssy day! Maaga pa ang caving the following day!
Day 2 is caving day! Nampuuuuuchaaa talaga sa may idea ng caving! Second time na namin ni BJ pero bwakananghirap pa rin. Keri na rin sa huli (less the jebs ng mga paniki) kasi sooooobranng ganda! (Pics to be posted) For a moment there, nawala ang mga problema namin! After that moment, bumalik na ang problema namin!!! hahahah. Problema talaga dahil 1pm ang last trip papuntang Baguio!
Pagkatapos ng caving ay kumain kami ng Pinikpikan ni Lola Martha (kakaibang food nila na di ko nagustuhan pero okay na ring tikman for the heck of tasting). Nagmamadali na kaming bumalik (or shall we say nagmamamadali-madalian). Ayaw naming maging nega (at makapal lang talaga ang mukha namin) kaya nang may dumaan na motor ay di na nag-atubili ang inyong lingkod na makiangkas sa di ko kilalang driver para lang habulan at pigilan ang bus… haha. Panalo sa Bhutan! Yunlemeng, di ko pa rin naabutan.
Few minutes later ay nakisabay naman ang other main cast sa Viajero ng manok! Nakipag-nego si Beng na kung sakali na maiwanan kami ng bus (turned out positive) ay makikisabay kami papuntang Baguio!
So yun na nga ang naging option: ang makisabay sa jeep ng manukan! How spontaneous can we get?! Ang tanging fear lang ni Beng ay baka magka-BirdFlu kami sa likod! haha.. Subalit, the proposal turned out to be nega! The viajero ditched us! Nampucha! Ano pinagmamalaki nya?! Nakakaawa na talaga kami nang mga oras na ito kasi mukha kaming mga basang sisiw na walang masisilungan, mga anghel na walang langit! Naghintay kami ng ilang oras, nagtatanong sa bawat sasakyan kung may pupuntang Baguio (which is 6-7 hour drive). Negative, no, wala kahit 1% na pag-asa.
No choice na kundi to make the best out of the experience! Bumili lang kami ng 1 tuna at umorder ng 1 ulam at 7 rice…Define api! No choice kami at natulog sa very spooooooky green house! Takutan…senti… recap of the day… political discussion.
Next day! First trip pa lang ay go na ang tropa! Baguio!!! Yezzzz… sibilisasyon! haha… Nagwithdraw at bumili lang kami ng food at go na to Manila! Napakamalas lang namin dahil sa Pagong Transit Inc. kami napasakay. Kung kelan naman kami naghahabol dahil male-late sa First Day Funk nya si Rey!
Nakisama ang forces of nature and we arrived just in time. Pero actually, til the last moment ay spontaneous pa rin kasi naiwanan pa ng jeep si Cesar! hahaha
The approximately 70 straight hours that the four of us were together was definitely spontaneous. Perhaps the most spontaneous 70 hours of my life to date. We never had a drop of alcohol during the whole trip (really now?! Up til now I can’t believe this. Potek.. clean living na ang BJs) but our company gave us total high. I know it will take me many days, weeks, perhaps months to get the hang-over of the experience! Looking forward to our next TSUBA! ahlooooveyaaaaahallll!



