brighter than sunshine

sweet side of the bell curve

spontaneous kung spontaneous

November 13, 2006

Katulad ng lagi kong sinasabi, lately e nagiging predictable na talaga ang buhay ko. Ang dami kong pinaplano pero at the end of the day, ganon pa rin ang takbo ng buhay. Tutulog pa rin akong nagangarap kung ano ang magandang plano sa buhay ko… No wonder di nahirapan si Madam Alma ng Quiapo nung hinulaan nya ko. :)

Nang mismong araw ng birthday ko, depres-depresan nanaman ang drama ko. It was like any ordinary day of my life. Maraming bumati. Uminom din naman kami ng aking mga kachokaran dito sa opisina pero ayun nga. May quasi-quarter life crisis nanaman ako. Perhaps it was the time of the year kasi mag-2007 na tapos medyo bente-tres na ko noh at ganun pa rin buhay ko. Ewan! Siguro masyado lang ako naging masaya sa birthday ko last year. Siguro tumatanda na talaga ako at pag tumatanda ka na ordinaryo na ang birthday.

Subalit, datapwat, ganunpaman, nagkamali ako na magiging ordinaryo lang ang birthday na to dahil maswerte talaga ako sa aking mga kaibigan, kachokaran, kachorvahan! Ang blog entry na ito ay tribute sa mga kaibigan ko na andiyan bago ko malaman na may tinatawag palang quarter life crisis. Sa mga taong nakakita kung ilang beses ko ito pinagdaanan, nilampasan, natutunan, namiss at binabalik-balikan! hehe. Sayang, kulang tayo! Pakshet QB! Wala ka! Plano pa naman naming humiram ng 1 kotse sa garahe ng Peru Savings Bank!!!

Pero ganon talaga, kasi kung nagkataon sigurong kumpleto kayo at andun yung mga pinakaimportanteng tao sa buhay ko, baka nachugi na ko the following day. Pero salamat! Eto lang masasabi ko: Trade-off nga ang buhay! I can’t have everything, but I have you! Belat na lang sa iba! Alabyaaah!

Nagplan kami na manood ng European Film Festival sa Shang. Madaliang text lang. Dahil sa unlimitext na yan, mejo bumaba na nag value ng text messages lately kaya minsan ang mga importanteng text ay naiisang tabi na. Buti na lang at kitikitext si BJ at Bogart! Pero nalate pa rin ang karamihan. Sorry naman… wala pa kaya akong tulog. hehe. So ayun, si BJ lang nakanood ng film… habang natira kami nina Rey at Bogart sa Mambosa na nagkakape! Ayun, yosi, harutan, walang puknat n a chikahan, yosi, harutan, walang puknat na chikahan. Dumating si Cesar at Rica. Yosi, harutan, walang puknat na chikahan! Update sa buhay. QLC nanaman ni Emcee! hehe… Tamang chikahan lang hanggang sa dumating ang epitomy ng sponteneity- si BENG! At first, we thought it was Panky, Spanky, Funky, Whatever! Thanks to her very posh korean stylist you can now mistake her for an Orange and Lemons artist or TINY of PB! hehehe… alavyah hunnybunny!

Hayan na! usapan na sa nalalapit na TSUBE (themed spontaneous ultimate bonding experience) turned TSUBA (themed spontaneous ultimate bonding adventure). Yaman din lamang at ayaw na namin magplano sa buhay (Walang difference magplano o hindi though maganda kaming gumawa ng itinerary). So inilaan namin ang nalalabing oras para sa isang pre-truba! tsk tsk! Anong plano?! Anong plano?!

* isaw tayo sa Diliman * balik na lang tayo sa 9.30 film * sige tara na! bus o MRT? * bahala na! spontaneous nga * go na sa MRT! * char, rey, magpanggap na kayong pilay para sa pwede kayo dun sa dulo! * dali na wala naman nakakakilala saten dito! * baka pagkaguluhan tayo! kasama natin si panky * amuyin nyo ang top ni beng na natuluan ng shawarma sauce * lahat dapat pati si sosy high rica * uy! si beng nahiya kay rica! * si bogart naiwan sa shaw! napagsarhan ng MRT! * si beng nakalusot, si maui hindeee! * hahahahaha * hehehehehe * diliman na! * mang jimmy’s na lang! wala na isaw! * sa sarah’s kaya tapos inuman na * susunod si Adan! di tayo if-fail non * mang jimmy’s na nga lang. 4+1 * hahahahaha * yosi… harutan… lafang…. * kwento si rica with sound effects * cheka si BJ about the korean salon * cheka si BJ about her fafa with kilig factor this time * wag na tayo manood ng film. spontaneous tayo! pinlano na natin yon sa scrap that * baguio tayo! * tara! spontaneous nga! walang pakelam kahit nakashorts si beng at emcee * badtrip si queenie. pakirawraw! * san tayo?! magpakaspontaneous tayo * LB tayo * tara! * hahahahaha * hehehehehe * CUBAO! * college po. anim * zzzzzzzzzzzzzzzzz * college na! * isis tayo! * walang tao sa cafe… sa square na lang * jungle java na lang * moni moni moni ng beer * in fairness very posh na ha * may mani talaga at refillable * bakit ganon ang iced tea * may bayad ang cr?! pucha naman * tequila tayo! isang bote kagad * moni… yosi… harutan… * moni… yosi… harutan… * moni… yosi… harutan… * shot mo na! * tayo na lang tao! * {deleted emotional part ni emcee about friendship} * wehehehehe * tara sa campus * aba! may ministop na dito * nescafe ice nga * papic tayo sa UPLOSBAÑOS * tara na! uwi na tayo * bangenge mode * ihing-ihi na ko! * psssss sa olivarez * hahahah * cubaoooooo! * borlag sa bus * vavu! * spontaneous talaga! * sa uulitin * mwaaaah!

Sa totoo lang di ko masalaysay ang nagyari nung gabing yon! Di ko lam kung ito ay epekto ng kabangengean! To make it sound better, let’s put it this way, masyado akong naging masaya!  This entry isn’t enough to relay my thankfulness to the best friends  you can get in the whole wide world ! sa susunod makukumpleto rin lahat ng pinakaimportaneteng tao sa buhay ko! as for now, magpakaspontaneous muna tayo! steady lang! missssss ko na kagad kayo! til our TSUBA! mwaaaaaah!

 

 

 

12112006291 11112006257 12112006293 12112006290

 

 

Posted by emceerious at 11:24 am | permalink

Previous Comments

If you are in uncomfortable position and have no cash to go out from that, you would need to take the www.lowest-rate-loans.com. Because that will aid you emphatically. I take short term loan every year and feel myself good just because of that.

Posted by AURELIABarber at June 28, 2010, 7:06 am

Add a comment








about her

a twentyseven year old lass born in the persian land raised in the province of balisong and kapeng barako who learned all the things she needs to know in uplb except how to use punctuation marks and how to tell something about herself